July Prayer and Fasting
Sat, Jul 06
|SheepGate Christian Fellowship
Times of Refreshing!


Time & Location
Jul 06, 2019, 9:00 AM – 3:00 PM
SheepGate Christian Fellowship, Genber Emporium, San Pedro, Laguna, Philippines
About the event
Nakatala sa aklat ng Mga Gawa ang ilang mga pagkakataon na ang mga Kristiyano ay nag-ayuno bago sila gumawa ng mga mahahalagang desisyon (Gawa 13:2, 14:23). Ang pag-aayuno at pananalangin ay palaging magkasama (Lucas 2:37; 5:33). Madalas, ang pag-aayuno ay hindi pagkain o pagbabawas sa pagkain. Ang tunay na layunin ng pag-aayuno ay upang maituon natin ang ating atensyon palayo sa mga bagay na makamundo at ibuhos ang ating pansin sa pag-alam sa kalooban ng Diyos. Ang pag-aayuno ay isang hakbang upang patunayan sa Diyos, at sa ating sarili ang ating pagnanais na magkaroon ng malapit na kaugnayan sa kanya. Ang pag-aayuno ay makatutulong sa atin upang magkaroon tayo ng malinaw na pang-unawa sa kalooban ng Diyos sa ating buhay at magbalik sigla ang ating pananalig sa Diyos.